Start main content

Panimula

Misyon

  • Magbigay ng mga heat exchange system at kagamitan na mapagkakatiwalaan, madaling gamitin, mataas ang kalidad, at sulit na presyo
  • Magsumikap tungo sa sustainable na pagpapalago ng negosyo 

Bisyon

  • Maging pandaigdigang provider para sa pagtitipid ng enerhiya at mga kagamitan at solusyon sa alternatibong enerhiya

Ang IES Group, na itinatag noong 1998, ay isang cutting-edge na supplier ng mga heat exchange system at kagamitan para sa pangkomersyo at pang-industriyang paggamit. Isinusuplay namin ang aming mga produkto sa mga mamimili sa Macau, Hong Kong, Tsina (PRC) at Timog-Silangang Asya gaya ng Singapore, Pilipinas, Malaysia, Thailand at Vietnam.

Kabilang sa aming mga all-rounded na hot water solution ang propesyonal na payo para sa disenyo ng sistema, pagsasaayos ng renovation, pag-install ng mga kagamitan, pag-test at serbisyong pagkokomisyon para sa mga proyekto. Gumagawa rin kami ng matataas na kalidad at efficient na Plate Heat Exchanger, Plate at Shell Heat Exchanger, Heat Transfer Compact Unit, Calorifier at Dehumidifier na tumatalima lahat sa mga pamantayang ISO9001:2008, ISO14001:2015, ISO3834:2006, PD5500.

Matatagpuan ang punong-tanggapan ng IES Group sa Hong Kong, samantalang matatagpuan ang mga pabrika sa Dongguan, Tsina, at ang mga subsidiary at nakakalat sa Macau, Singapore at mga pangunahing lungsod ng Tsina gaya ng Guangzhou at Shanghai.