Disclaimer
Karapatang-sipi
Ang karapatang-sipi sa website na ito at ang mga nilalaman ng website na ito (kabilang ang ngunit hindi limitado sa teksto, retrato, larawan at iba pang nilalaman) ay pag-aari ng IES Group (Holdings) Limited.
Binibigyan ka ng IES ng karapatan:
(1) upang tingnan ang website na ito at ang mga nilalaman ng website na ito sa isang kompyuter o mobile device gamit ang isang web browser;
(2) upang kopyahin at i-store ang mga nilalaman mg website na ito sa iyong web browser cache memory; at
(3) upang mag-print ng mga pahina mula sa website na ito para sa iyong pansarili ngunit hindi pangkomersyong paggamit.
Gayunpaman, hindi mo dapat angkinin, i-edit, baguhin, ibahin ang anyo, ilathala, ipamahagi, ipamahayag sa publiko ang website na ito o ang mga nilalaman ng website na ito (sa anumang anyo o midya) nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng IES. Maaari kang humiling ng pahintulot na gamitin ang mga may karapatang-sipi na nilalaman ng website na ito sa pamamagitan ng pagsulat sa info@ies-group.com.hk.
Patakaran sa Privacy
IES Group (Holdings) Limited ang nagpapatakbo ng https://www.ies-group.com.ph. Ipinababatid sa iyo ng pahinang ito ang mga patakaran ng Kompanya ukol sa pagkolekta, paggamit at pagsisiwalat ng Pansariling Impormasyong aming natatanggap mula sa mga gumagamit ng website na ito.
Ginagamit lamang ang iyong Pansariling Impormasyon para sa pagpapabuti ng serbisyo. Sa paggamit ng website na ito, sumasang-ayon ka sa pagkolekta at paggamit ng impormasyon alinsunod sa patakarang ito.
Habang ginagamit ang website na ito, maaaring hilingin sa iyo na magbigay ng ilang personally identifiable information na maaaring gamitin upang makipag-ugnayan sa iyo o makilala ka. Maaring kabilang ngunit hindi limitado ang personally identifiable information sa iyong pangalan.
Tulad ng maraming mga site operator, kinokolekta namin ang impormasyon na ipinadadala ng iyong broswer sa tuwing bumibisita ka sa aming website (“Log Data”). Maaring kabilang ngunit hindi limitado ang Log Data sa impormasyon gaya ng Internet Protocol (“IP”) address ng iyong kompyuter, uri ng browser, bersiyon ng browser, mga pahina ng aming website na iyong binibisita, oras at petsa ng iyong pagbisita, oras na ginugol sa mga pahinang iyon at iba pang estadistika.