Start main content

Plate Heat Exchanger

Plate Heat Exchanger

Ang Plate Type Heat Exchanger ay malawakang ginagamit sa iba’t ibang uri ng aplikasyon at gumagana ito sa mas mataas na efficiency at mas maliit na laki kung ihahambing sa mga tradisyonal na shell at tube or shell at coil heat exchanger.

Nakatuon ang IES sa pagdisenyo at paggawa ng iba’t ibang uri ng high thermal efficiency Plate Heat Exchange (PHE) para sa maraming uri ng aplikasyon gaya ng HVAC, central hot water system, space heating, pool heating atbp.

Nagsusuplay kami ng full range ng clip-on-gasket, glue-gasket, double wall, semi-welded, free flow at brazed-type heat exchanger upang matugunan ang natatanging mga pangangailangan ng aming mga kustomer.

Sa pamamagitan ng mga uri ng plate heat exchanger, maaaring magbigay ang IES Plate Heat Exchanger ng optimal na solusyong teknikal para sa anumang posibleng proyekto na may connection size mula DN32 hanggang DN500, at may sakop ng liquid flow hanggang 4000 mᶟ/hr.

May higit sa 30 model ang IES Plate Heat Exchanger na may iba’t ibang kapal at koneksiyon upang magkasya sa iba’t ibang site arrangement. Kabilang sa plate material ang stainless steel 304, stainless steel 316 at tinanium, na may iba’t ibang kapal at pagsasaayos. Kabilang sa gasket material ang Nitrile Rubber, EPDM at Viton.

 

IES Plate Heat Exchanger ang pinakamainam na pagpipilian para sa HVAC, district cooling at refrigeration. Kabilang sa aplikasyon nito ngunit hindi limitado sa:

  • Pagpapalamig ng tubig dagat (Makina)
  • District cooling/heating
  • Tap water
  • Pasteurization ng gatas at cream
  • Pressure breaker sa HVAC system
  • Ligtas na tubig para sa pagproseso ng pagkain
  • Industriyang nuclear para sa kaligtasan
  • Tubig para sa medikal na inheksiyon/ultra-pure water
  • Inuming tubig para sa boiler at heat pump application
     
AHRI ISO 9001 ISO 14001 ISO 3834
AHRI ISO 9001 ISO 14001 ISO 3834