Air Source Heat Pump
Ang Heat Pump ay nagiging popular na ngayon sa komersyal na aplikasyon dahil ang mas mataas na temperatura na output ay maaaring makuha at ito ay mas mahusay kaysa sa hot water boiler.
Features:
- Mabuti sa kapaligiran
- Mapapababa ang CO2 emission
- Nakatitipid sa enerhiya, fossil
- Mataas na COP performance
- Mas mababa ang payback period
- Mataas na pagkamaaasahan
- Siksik na laki
- Madaling magamit at maayos
Mayroon malawak na capacity range mula 20kW ayon sa hiling ng kustomer.
Impormasyong teknikal
Aplikasyon para sa AROTEX Heat Pum
- Pagpapainit ng swimming pool
- Paggamit ng mainit na tubig sa ospital
- Paggamit ng mainit na tubig sa hotel
- Space heating para sa hotel, paaralan, data center
- Pagpapainit at pagpapalamig sa prosesong pang-industriya
- VAV Reheat
- Reheat Coil
Pagkakabit at pagpapagana
- Kasya ang modular na disenyo sa mas maliit na planta o renovation project
- Mabilis maikabit
- Madaling mapagana gamit ang malaking LCD screen display
Control System
- Programmable logic controller
- Manual switch para sa emergency redundancy
- Remote control
- BMS interface para sa ibang komunikasyon
- Pagpipilian para sa MODBUS, BACNET, LON, MBUS
Flexible sa disenyo
- Maraming model range sa kapasidad
- Maaaring nasa sari-saring alokasyon ang panel at display
Ang air-sourced heat pump ay isang tipikal na sistema na gumagana sa Reverse Carnot Cycle; kung saan sinisipsip nito ang init mula sa kapaligiran (temperatura mula sa nakapaligid na hangin) upang makabuo ng mainit na tubig na nasa pagitan ng 60 degree Celsius ± 5 degree Celsius.
Ang prinsipyo ng pagtatrabaho ng system ay ang mga sumusunod,
1) Tinatanggap ang init ng kapaligiran at inilipat ito sa nagpapalamig upang gawing gaseous na estado ang nagpapalamig.
2) Pagkatapos nito, ang gaseous state na ito ng refrigerant ay pumapasok sa compressor kung saan tumataas ang temperatura.
3) Pagkatapos umalis sa condenser, kung nasaan ang heat exchanger, ang init ay inililipat sa hot water storage tank.
4) Ang nagpapalamig ay dadaan sa expansion valve ng system at ang buong proseso ay mauulit muli.
Ang Coefficient of Performance (COP) ay humigit-kumulang 3.5.
ARO ENERGY SOLUTIONS A/S ay isang kilalang brand sa Denmark at Europa na nagbibigay ng effective heating solution. Sa loob ng higit na 70 taon ng karanasan sa paggawa ng mataas na kalidad ng heating product gaya ng Heat Pump, Water Heater, Storage Calorifier at Package Heat Exchange Unit, nananatili ang AROs sa nangungunang posisyon bilang provider ng heating solution. Sa patuloy na pagpapaunlad ng heat recovery system, nagbibigay ang ARO ng malawak na saklaw ng High efficiency Heat Pump para sa sari-saring aplikasyon. Ginagamit ang ARO Heat Pump ng mga pangunahing kompanya sa Denmark at Europa. Gamit ang natatanging disenyo ng ARO, nakakamit ng ARO Heat Pump ang excellent performance sa aspentong pangkapaligiran kabilang ang energy efficiency, heat recovery, mababang paggamit ng fossil fuel at carbon generation.
Sa halip ng pangkaraniwang low temperature heat pump, nakatuon din ang ARO sa pagpapaunlad ng high temperature heat pump na maaaring magpainit ng tubig nang higit sa 80℃ upang matugunan ang maraming bilang ng aplikasyon. Maaaring gumana ang ganiong uri ng high temperature heat pump maging sa napakababang temperatura ng kapaligiran na -25℃ nang nakapagpapainit pa rin ng 60℃ na tubig nang tuloy-tuloy. Hindi kayang gumana ng pangkaraniwang single stage heat pump sa ganitong kapaligiran. Maaaring palitan ng ganitong uri ng heat pump ang hot water boiler sa maraming pagkakataon. Kung ihahambing sa pangkaraniwang heat pump, may absolute advantage ang high temperature heat pump sa efficiency performance, pangangalaga sa kapaligiran at maintenance expense.